Pahayag ng mga PDL sa Correctional Institution for Women ukol sa kanilang nadispalkong pera sa loob ng Trust Fund at cashless system
Sa halip na tugunan ang panawagan ng mga PDL na ibalik ang nawawalang pera at buwagin ang Trust Fund, mas hinigpitan pa ang mga PDL na mag-withdraw ng kanilang pera na naka-deposito sa system. Noong nakaraang linggo, isang beses lamang nagpa-withdraw sa Trust Fund. Kahapon, Agosto 27, napilitang magpa-withdraw ang mga empleyado matapos magtipon-tipon sa inner court ang mga PDL.
August 28, 2026
The National Union of Peoples’ Lawyers is a nationwide voluntary association of human rights lawyers in the Philippines, committed to the defense, protection, and promotion of human rights, especially of the poor and the oppressed.

PRESS STATEMENT

Sa halip na tugunan ang panawagan ng mga PDL na ibalik ang nawawalang pera at buwagin ang Trust Fund, mas hinigpitan pa ang mga PDL na mag-withdraw ng kanilang pera na naka-deposito sa system. Noong nakaraang linggo, isang beses lamang nagpa-withdraw sa Trust Fund. Kahapon, Agosto 27, napilitang magpa-withdraw ang mga empleyado matapos magtipon-tipon sa inner court ang mga PDL. 

Ayon mismo sa ilang mga empleyado, wala nang pera ang Trust Fund. Pinangangambahan ng mga PDL na hindi na ibabalik ng Bureau of Corrections ang kanilang pinaghirapang pera. Ayon pa nga mismo sa pamunuan ng CIW, ang mga PDL lamang na may pumasok na pera mula August 19 hanggang sa kasalukuyan ang maaaring mag-withdraw. Ibig sabihin, kahit ang mga perang pumasok mula July 29 kung kailan unang lumabas ang isyu hanggang August 18 ay nagamit na rin. Kung tutuusin, wala sanang kinalaman ang nasabing pera sa naunang pitong milyon na nawawala. Maliban dito, mayroon ding mga perang padala sa LBC na hindi pa naipapaalam ng CIW sa mga PDL halos isang linggo mula nang maipadala ito ng kanilang pamilya.

Sa kabila nito, nagtataasan ang presyo ng mga bilihin na pumapasok sa CIW na kontrolado din ng BuCor. Mas lalong kinukulong ng ganitong sitwasyon ang mga PDL sa masalimuot at limitadong espasyo.

“Kung sa pagsunod lang ng mga patakaran nila, laging handang tumalima diyan ang mga PDL. Pero hindi mga bilanggo ang may pulang marka sa laki ng violation dito sa loob ng Correctional kundi ang Institusyon mismo. Mas lalo kaming pinapahirapan,” ayon sa mga PDL.

Higit na mahirap din ang ganitong sitwasyon sa mga may sakit na PDL na nangangailangan ng perang pambili ng gamot at naaangkop na pagkain ngunit hindi makapag-withdraw. Kahit ang mga PDL na may mga pamilyang sinalanta ng bagyo ay hindi rin makapagbigay ng pera sa kanilang mga pamilya.

“Reformation ang programa ng gobyerno sa mga bilanggo ngunit ang unang-unang dapat i-reform at baguhin ay ang ganitong bulok na sistema ng panloloko sa di hamak na walang kalaban-laban na mga bilanggo.”

Patuloy ang panawagan ng mga PDL sa mga ahensya ng pamahalaan lalo na sa Kongreso at Senado na imbestigahan ang mala-“ghost flood control project” dito sa CIW.

Ibalik ang pera ng mga PDL!

Buwagin ang Trust Fund!

Read more

PAF’s Thin Skin Is No Ground for Punishing Student Dissent

PAF’s Thin Skin Is No Ground for Punishing Student Dissent

The Philippine Air Force has no problem displaying weapons on a university campus, yet apparently cannot stomach sharp questions protests from students about military operations and civilian casualties. Even the University of Santo Tomas (UST) disciplinary resolution notes that PAF personnel themselves considered the students’ questions valid. What offended them, it seems, was the students’ supposedly rude manner.

NUPL Files Motion to Keep Gorgonio, PDG Case in Manila

NUPL Files Motion to Keep Gorgonio, PDG Case in Manila

The motion asks the Court to reconsider its September 23 Resolution forwarding the case records to the CA Visayas Station in Cebu. It asks that the case remain in Manila, where the Supreme Court directed the respondents to file their returns.

LTFRB Must Not Weaponize Franchises Against Peaceful Protest

LTFRB Must Not Weaponize Franchises Against Peaceful Protest

The government has a duty to protect commuters and ensure adequate transportation. It should meet that duty through lawful contingency measures, meaningful dialogue, and concrete action on the conditions driving transport workers and operators to protest—not by threatening their livelihoods.

Share This