Pahayag ng Pakikiisa sa Welgang Bayan at Pandaigdigang Araw ng Paggawa
Kaisa ng masang anakpawis ang mga abogado ng bayan sa panawagang wakasan ang mga programa ng administrasyong Marcos Jr. na lalong mambubusabos sa taumbayan ngayong Pandaigdigang Araw ng Paggawa, Mayo Uno 2024.
May 1, 2024
The National Union of Peoples’ Lawyers is a nationwide voluntary association of human rights lawyers in the Philippines, committed to the defense, protection, and promotion of human rights, especially of the poor and the oppressed.

Kaisa ng masang anakpawis ang mga abogado ng bayan sa panawagang wakasan ang mga programa ng administrasyong Marcos Jr. na lalong mambubusabos sa taumbayan ngayong Pandaigdigang Araw ng Paggawa, Mayo Uno 2024.

Kabilang sa mga ito ang huwad na Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) kung saan sapilitang pinabubuklod ang mga maliliit na jeepney operator sa mga kooperatiba at korporasyon. Bukod sa nilalabag nito ang kanilang kalayaan sa pagtatatag ng sariling organisasyon, tiyak din itong kikitil sa kanilang kabuhayan at magiging dagdag na pasanin sa mga komyuter. Hindi rin pinansin ang kanilang panawagan para sa rehabilitasyon dahil mas matimbang ang interes ng mga dayuhang kapitalistang may kakayanang mamuhunan sa mga modernong PUV.

Laganap ang red-tagging, panggigipit, at pananakot sa mga lider at miyembro ng mga unyon sa parehong pribado’t pampublikong sektor upang pigilan ang kanilang pakikibaka para sa nakabubuhay na sahod at benepisyo at makataong mga kalagayan sa trabaho. Matingkad din ang papel ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa pagbuwag ng mga progresibong unyon at sa mga tangkang pahinain ang unyonismo, kabilang na ang lantarang paglahok sa mga gawaing union-busting ng mga pribadong kompanya.

Habang nanatiling mataas ang presyo ng mga bilihin at kapos ang serbisyong panlipunan, hindi pa rin umuusad ang mga panukalang batas para sa dagdag sahod. Inuuna pang atupagin ang Charter Change gamit ang tatlong moda ng pag-aamyenda sa Saligang Batas (people’s initiative, Constitutional Convention at Constitutional Assembly) para mapalabnaw ang mga patriyotikong probisyon into. Samantala, sa ilalim ng ehersisyong militar o Balikatan, inihihahanda ang mga tereyn, karagatan at himpapawid ng Pilipinas bilang lunsaran ng gera ng US laban sa China kasabay ng pagpapatuloy ng mga agresibong aksiyon ng China sa West Philippine Sea.

Karapat-dapat lamang na manindigan para sa ating mga karapatang pang-ekonomiko, pambansang soberanya at teritoryal na integridad. Palakasin natin ang dagundong at lagablab ng ating mga panawagan sa lahat ng kampuhan, martsa-protesta, tigil-pasada, at welgang bayan.#

Read more

CONGRATULATIONS TO ALL BAR PASSERS!

CONGRATULATIONS TO ALL BAR PASSERS!

May you choose to use your skills and knowledge to uphold the mantle of justice with compassion, bravery, and a sense of duty. May this path lead you to stand in the frontlines with us, together with the Filipino people.

NUPL stands with Jhed Tamano and Jonila Castro in their pursuit of justice

NUPL stands with Jhed Tamano and Jonila Castro in their pursuit of justice

Jonila and Jhed’s decision to pursue countercharges is not merely a step toward their personal vindication but a powerful statement against the forces that seek to silence dissent. It serves as a call for accountability and the protection of human rights defenders who continue to advocate for marginalized communities and environmental justice.

Share This